Nehemias 7:5-21 Ang Biblia (TLAB)

5. At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao, at ang mga pinuno, at ang bayan, upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi. At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon noong una, at aking nasumpungang nakasulat doon:

6. Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;

7. Na siyang nagsisama kay Zorobabel, kay Jesua, kay Nehemias, kay Azarias, kay Raamias, kay Nahamani, kay Mardocheo, kay Bilsan, kay Misperet, kay Bigvai, kay Nehum, kay Baana. Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito:

8. Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa.

9. Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.

10. Ang mga anak ni Ara, anim na raan at limang pu't dalawa.

11. Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Jesua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing walo.

12. Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.

13. Ang mga anak ni Zattu, walong daan at apat na pu't lima.

14. Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu.

15. Ang mga anak ni Binnui, anim na raan at apat na pu't walo.

16. Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't walo.

17. Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo't tatlong daan at dalawang pu't dalawa.

18. Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't pito.

19. Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo't anim na pu't pito.

20. Ang mga anak ni Addin, anim na raan at limang pu't lima.

21. Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo.

Nehemias 7