7. Si Sallum, si Amoc, si Hilcias, si Jedaias. Ang mga ito'y ang mga pinuno sa mga saserdote at sa kanilang mga kapatid sa mga kaarawan ni Jesua.
8. Bukod dito'y ang mga Levita: si Jesua, si Binnui, si Cadmiel, si Serebias, si Juda, at si Mathanias, na namamahala sa pagpapasalamat, siya at ang kaniyang mga kapatid.
9. Si Bacbucias, naman at si Unni, na kanilang mga kapatid, ay nagkakaharapan sa kanikaniyang pulutong.
10. At naging anak ni Jesua si Joiacim, at naging anak ni Joiacim si Eliasib, at naging anak ni Eliasib, si Joiada,
11. At naging anak ni Joiada si Jonathan at naging anak ni Jonathan si Jaddua.
12. At sa mga kaarawan ni Joiacim, ay mga saserdote, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: kay Seraias, si Meraias; kay Jeremias, si Hananias;
13. Kay Ezra, si Mesullam; kay Amarias, si Johanan;
14. Kay Melicha si Jonathan; kay Sebanias, si Joseph;
15. Kay Harim, si Adna; kay Meraioth, si Helcai;
16. Kay Iddo, si Zacarias; kay Ginnethon, si Mesullam;
17. Kay Abias, si Zichri; kay Miniamin, kay Moadias, si Piltai;
18. Kay Bilga, si Sammua; kay Semaias, si Jonathan;
19. At kay Joiarib, si Mathenai; kay Jedaias, si Uzzi;
20. Kay Sallai, si Callai; kay Amoc, si Eber;
21. Kay Hilcias, si Hasabias; kay Jedaias, si Nathanael.
22. Ang mga Levita sa mga kaarawan ni Eliasib, ni Joiada, at ni Johanan, at ni Jaddua, ay nangasulat sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: gayon din ang mga saserdote sa paghahari ni Dario na taga Persia.