Nehemias 11:24-30 Ang Biblia (TLAB)

24. At si Pethahias na anak ni Mesezabel, sa mga anak ni Zerah, na anak ni Juda, ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng bagay na tungkol sa bayan.

25. At tungkol sa mga nayon, pati ng kanilang mga bukid, ang ilan sa mga anak ni Juda ay nagsitahan sa Chiriat-arba at sa mga nayon niyaon, at sa Dibon at sa mga nayon niyaon, at sa Jecabzeel at sa mga nayon niyaon;

26. At sa Jesua, at sa Moladah, at sa Beth-pelet;

27. At sa Hasar-sual, at sa Beerseba at sa mga nayon niyaon;

28. At sa Siclag, at sa Mechona at sa mga nayon niyaon;

29. At sa En-rimmon, at sa Soreah, at sa Jarmuth;

30. Sa Zanoah, sa Adullam, at sa mga nayon niyaon, sa Lachis, at sa mga parang niyaon, sa Azeca at sa mga nayon niyaon. Gayon sila nagsihantong mula sa Beer-seba hanggang sa libis ni Hinnom.

Nehemias 11