9. Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan;
10. Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
11. Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios;
12. Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
13. Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:
14. Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:
15. Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo;
16. Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;