Mga Taga-Roma 3:10-24 Ang Biblia (TLAB)

10. Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;

11. Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios;

12. Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:

13. Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:

14. Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:

15. Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo;

16. Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;

17. At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;

18. Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.

19. Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:

20. Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.

21. Datapuwa't ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;

22. Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't walang pagkakaiba;

23. Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;

24. Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:

Mga Taga-Roma 3