Mga Taga-Roma 16:3-7 Ang Biblia (TLAB)

3. Batiin ninyo si Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus,

4. Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil:

5. At batiin ninyo ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo.

6. Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal sa inyo.

7. Batiin ninyo si Andronico at si Junias, na aking mga kamaganak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo, na siyang mga bantog sa mga apostol, na sila nama'y nangauna sa akin kay Cristo.

Mga Taga-Roma 16