55. Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
56. Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
57. Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
58. Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.
59. Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap.
60. Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin.
61. Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin,
62. Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw.