Mga Panaghoy 3:44-55 Ang Biblia (TLAB)

44. Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.

45. Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.

46. Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.

47. Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.

48. Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.

49. Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.

50. Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.

51. Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.

52. Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan.

53. Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato.

54. Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.

55. Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.

Mga Panaghoy 3