41. Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
42. Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
43. Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
44. Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
45. Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
46. Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
47. Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
48. Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
49. Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
50. Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
51. Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.