Mga Panaghoy 3:2-9 Ang Biblia (TLAB)

2. Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.

3. Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw.

4. Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto.

5. Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.

6. Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon.

7. Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.

8. Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.

9. Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.

Mga Panaghoy 3