Mga Kawikaan 8:9-20 Ang Biblia (TLAB)

9. Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.

10. Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto.

11. Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya.

12. Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita.

13. Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim.

14. Payo ay akin at magaling na kaalaman: ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan,

15. Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo.

16. Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, at ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa.

17. Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako.

18. Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin; Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran.

19. Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na ginto; at ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak.

20. Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran, sa gitna ng mga landas ng kahatulan:

Mga Kawikaan 8