Mga Kawikaan 7:1-5 Ang Biblia (TLAB)

1. Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos.

2. Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.

3. Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso.

4. Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:

5. Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.

Mga Kawikaan 7