Mga Kawikaan 4:11-27 Ang Biblia (TLAB)

11. Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran.

12. Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod.

13. Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay.

14. Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao.

15. Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka.

16. Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan; at ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal.

17. Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, at nagsisiinom ng alak ng karahasan.

18. Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.

19. Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.

20. Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.

21. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.

22. Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan.

23. Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay,

24. Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.

25. Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.

26. Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, at mangatatag ang lahat ng iyong lakad.

27. Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.

Mga Kawikaan 4