Mga Kawikaan 4:10-15 Ang Biblia (TLAB)

10. Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami.

11. Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran.

12. Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod.

13. Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay.

14. Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao.

15. Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka.

Mga Kawikaan 4