1. Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw.
2. Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.
3. Ang bato ay mabigat, at ang buhangin ay matimbang; nguni't ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon.
4. Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?
5. Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli.
6. Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.