Mga Kawikaan 25:1-6 Ang Biblia (TLAB)

1. Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda.

2. Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay.

3. Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman, gayon ang puso ng mga hari ay di masayod.

4. Alisin ang dumi sa pilak, at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo:

5. Alisin ang masama sa harap ng hari, at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran.

6. Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao:

Mga Kawikaan 25