Mga Kawikaan 24:30-34 Ang Biblia (TLAB)

30. Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;

31. At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak.

32. Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti: aking nakita, at tumanggap ako ng turo.

33. Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:

34. Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw; at ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao.

Mga Kawikaan 24