Mga Kawikaan 24:1-9 Ang Biblia (TLAB)

1. Huwag kang mananaghili sa mga masamang tao, ni magnasa ka man na masama sa kanila:

2. Sapagka't ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati, at ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan.

3. Sa karunungan ay natatayo ang bahay; at sa pamamagitan ng unawa ay natatatag.

4. At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid, ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan.

5. Ang pantas na tao ay malakas; Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan.

6. Sapagka't sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka: at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.

7. Karunungan ay totoong mataas sa ganang mangmang: hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan.

8. Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan, tatawagin siya ng mga tao na masamang tao.

9. Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan: at ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao.

Mga Kawikaan 24