8. Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita.
9. Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
10. Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila:
11. Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo.
12. Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman.
13. Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
14. Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.
15. Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin:
16. Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay.
17. Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan: kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw:
18. Sapagka't tunay na may kagantihan; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
19. Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan.
20. Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne:
21. Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi.
22. Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda.
23. Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa.