1. Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo;
2. At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain.
3. Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain.
4. Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan.
5. Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit.