Mga Kawikaan 22:13-16 Ang Biblia (TLAB)

13. Sinasabi ng tamad, may leon sa labas: mapapatay ako sa mga lansangan.

14. Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw: siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon.

15. Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway.

16. Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang, at ang nagbibigay sa mayaman, ay humahangga sa pangangailangan lamang.

Mga Kawikaan 22