Mga Kawikaan 21:29-31 Ang Biblia (TLAB)

29. Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha; nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad.

30. Walang karunungan, o kaunawaan man, O payo man laban sa Panginoon.

31. Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka: nguni't ang pagtatagumpay ay sa Panginoon.

Mga Kawikaan 21