6. Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob: at bawa't tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob.
7. Ipinagtatanim siya ng lahat ng kapatid ng dukha: gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan! Kaniyang hinahabol sila ng mga salita, nguni't wala na sila.
8. Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa: siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti.
9. Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay.
10. Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo.
11. Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang.
12. Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon; nguni't ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo.
13. Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.
14. Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.
15. Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog; at ang tamad na kaluluwa ay magugutom.
16. Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa: nguni't ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay.
17. Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.
18. Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.
19. Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli.
20. Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas.
21. May maraming katha sa puso ng tao; nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo.
22. Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya'y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob: at ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling.