Mga Kawikaan 15:10-12 Ang Biblia (TLAB)

10. May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad: at siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay.

11. Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon: gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao!

12. Ayaw ang manglilibak na siya'y sawayin. Siya'y hindi paroroon sa pantas.

Mga Kawikaan 15