Mga Kawikaan 12:4-11 Ang Biblia (TLAB)

4. Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto.

5. Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya.

6. Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid.

7. Ang masama ay inilulugmok at nawawala: nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo.

8. Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: nguni't ang masama sa puso ay hahamakin.

9. Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay.

10. Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.

11. Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa.

Mga Kawikaan 12