Mga Kawikaan 1:2-10 Ang Biblia (TLAB)

2. Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;

3. Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;

4. Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:

5. Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:

6. Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.

7. Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.

8. Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:

9. Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.

10. Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.

Mga Kawikaan 1