Mga Kawikaan 1:1-7 Ang Biblia (TLAB)

1. Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel:

2. Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;

3. Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;

4. Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:

5. Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:

6. Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.

7. Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.

Mga Kawikaan 1