Mga Hebreo 10:15-23 Ang Biblia (TLAB)

15. At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na,

16. Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso, At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip;

17. At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.

18. At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.

19. Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus,

20. Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;

21. At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios;

22. Tayo'y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,

23. Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't tapat ang nangako:

Mga Hebreo 10