5. At hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa: at siya'y nangakong yao'y ibibigay na pinakaari sa kaniya, at sa kaniyang binhi pagkatapos niya, nang wala pa siyang anak.
6. At ganito ang sinalita ng Dios, na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain, at kanilang dadalhin sila sa pagkaalipin, at sila'y pahihirapang apat na raang taon.
7. At ang bansang sa kanila'y aalipin ay aking hahatulan, sabi ng Dios: at pagkatapos nito'y magsisialis sila, at paglilingkuran nila ako sa dakong ito.
8. At ibinigay niya sa kaniya ang tipan ng pagtutuli: at sa ganito'y naging anak ni Abraham si Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at naging anak ni Isaac si Jacob, at naging mga anak ni Jacob ang labingdalawang patriarka.
9. At ang mga patriarka sa udyok ng kainggitan kay Jose, ay ipinagbili siya, upang dalhin sa Egipto; at ang Dios ay sumasa kaniya,
10. At siya'y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian, at siya'y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto; at siya'y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya.