Mga Bilang 7:71-87 Ang Biblia (TLAB)

71. At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai.

72. Nang ikalabing isang araw ay si Pagiel na Anak ni Ocran, na prinsipe sa mga anak ni Aser:

73. Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

74. Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

75. Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

76. Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;

77. At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, at limang kambing na lalake, at limang korderong lalake, ng unang taon: ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran.

78. Nang ikalabing dalawang araw ay si Ahira na anak ni Enan, na prinsipe sa mga anak ni Nephtali:

79. Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

80. Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

81. Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

82. Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;

83. At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan.

84. Ito ang pagtatalaga ng dambana nang araw na pahiran ng langis ng mga prinsipe sa Israel: labing dalawang pinggang pilak, labing dalawang mangkok na pilak, labing dalawang kutsarang ginto:

85. Na bawa't pinggang pilak ay isang daan at tatlong pung siklo ang bigat, at bawa't mangkok ay pitong pu: lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo at apat na raang siklo, ayon sa siklo ng santuario;

86. Ang labing dalawang kutsarang ginto, na puno ng kamangyan, na ang bigat ay sangpung siklo bawa't isa, ayon sa siklo ng santuario; lahat ng ginto ng mga kutsara, ay isang daan at dalawang pung siklo:

87. Lahat ng mga baka na handog na susunugin ay labing dalawang toro, ang mga tupang lalake ay labing dalawa, ang mga korderong lalake ng unang taon ay labing dalawa, at ang mga handog na harina niyaon; at ang mga kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan ay labing dalawa:

Mga Bilang 7