Mga Bilang 7:68-71 Ang Biblia (TLAB)

68. Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

69. Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

70. Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

71. At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai.

Mga Bilang 7