41. At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor, at humantong sa Salmona.
42. At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon.
43. At sila'y naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa Oboth.
44. At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab.
45. At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa Dibon-gad.
46. At sila'y naglakbay mula sa Dibon-gad, at humantong sa Almon-diblathaim.
47. At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo.
48. At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico.
49. At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, sa mga kapatagan ng Moab.
50. At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico, na sinasabi,
51. Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan,
52. Ay inyo ngang palalayasin ang lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako:
53. At inyong ariin ang lupain, at tatahan kayo roon: sapagka't sa inyo ibinigay ko ang lupain upang ariin.
54. At inyong aariin ang lupain sa sapalaran ayon sa inyong mga angkan; sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: kung kanino mahulog ang palad sa bawa't isa, ay yaon ang magiging kaniya; ayon sa mga lipi ng inyong mga magulang ay inyong mamanahin.
55. Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan.
56. At mangyayari, na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila, ay gayon ang gagawin ko sa inyo.