Mga Bilang 33:39-49 Ang Biblia (TLAB)

39. At si Aaron ay may isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.

40. At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel.

41. At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor, at humantong sa Salmona.

42. At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon.

43. At sila'y naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa Oboth.

44. At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab.

45. At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa Dibon-gad.

46. At sila'y naglakbay mula sa Dibon-gad, at humantong sa Almon-diblathaim.

47. At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo.

48. At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico.

49. At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, sa mga kapatagan ng Moab.

Mga Bilang 33