30. At sa kalahati na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kunin mo ang isang nakuha sa bawa't limang pu, sa mga tao, sa mga bata, sa mga asno, at sa mga kawan, sa lahat ng hayop at ibigay mo sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon.
31. At ginawa ni Moises at ni Eleazar na saserdote, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
32. Ang nabihag nga bukod pa sa nasamsam ng mga taong nakipagbaka, ay anim na raan at pitong pu't limang libong tupa,
33. At pitong pu't dalawang libong baka,
34. Anim na pu't isang libong asno,
35. At tatlong pu't dalawang libong tao sa lahat, sa mga babae na hindi pa nasisipingan ng lalake.
36. At ang kalahati, na siyang bahagi niyaong mga nagsilabas sa pakikipagbaka ay umaabot sa bilang na tatlong daan at tatlong pu't pitong libo at limang daang tupa:
37. At ang buwis na tupa sa Panginoon, ay anim na raan at pitong pu't lima.
38. At ang mga baka ay tatlong pu't anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay pitong pu't dalawa.
39. At ang mga asno ay tatlong pung libo at limang daan; na ang buwis sa Panginoon ay anim na pu't isa.
40. At ang mga asno ay labing anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay tatlong pu't dalawang tao.
41. At ibinigay ni Moises ang buwis, na ukol sa handog na itinaas sa Panginoon, kay Eleazar na saserdote, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
42. At ang kalahati ay sa mga anak ni Israel, na inihiwalay ni Moises sa mga taong nakipagbaka
43. (Siya ngang kalahati na nauukol sa kapisanan ay tatlong daan at tatlong pu't pitong libo at limang daang tupa,
44. At tatlong pu't anim na libong baka,
45. At tatlong pung libo't limang daang asno,
46. At labing anim na libong tao),
47. At sa kalahati nga na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kinuha ni Moises ang isa sa bawa't limang pu, sa tao at gayon din sa hayop, at ibinigay sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.