19. Kundi maghahandog kayo sa Panginoon ng isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakahandog na susunugin; dalawang guyang toro, at isang lalaking tupa, at pitong korderong lalake ng unang taon; na mga walang kapintasan:
20. At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis: tatlong ikasangpung bahagi ang inyong ihahandog para sa isang toro, at dalawang ikasangpung bahagi para sa tupang lalake;
21. At isang ikasangpung bahagi ang iyong ihahandog para sa bawa't kordero sa pitong kordero;
22. At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, upang itubos sa inyo.