Mga Bilang 26:8-17 Ang Biblia (TLAB)

8. At ang mga anak ni Phallu; ay si Eliab.

9. At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang sila'y lumaban sa Panginoon;

10. At ibinuka ng lupain ang kaniyang bibig, at nilamon sila pati ni Core, nang mamatay ang pulutong na yaon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawang daan at limang pung tao, at sila'y naging isang tanda.

11. Gayon ma'y hindi namatay ang mga anak ni Core.

12. Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan; kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita: kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita: kay Jachin, ang angkan ng mga Jachinita;

13. Kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita; kay Saul, ang angkan ng mga Saulita.

14. Ito ang mga angkan ng mga Simeonita, dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan.

15. Ang mga anak ni Gad ayon sa kaniyang mga angkan; kay Zephon, ang angkan ng mga Zephonita; kay Aggi, ang angkan ng mga Aggita; kay Suni, ang angkan ng mga Sunita;

16. Kay Ozni, ang angkan ng mga Oznita; kay Eri, ang angkan ng mga Erita;

17. Kay Arod, ang angkan ng mga Arodita; kay Areli, ang angkan ng mga Arelita.

Mga Bilang 26