Mga Awit 99:3-5 Ang Biblia (TLAB)

3. Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan: siya'y banal.

4. Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan; ikaw ay nagtatatag ng karampatan, ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.

5. Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa harap ng kaniyang tungtungan; siya'y banal.

Mga Awit 99