Mga Awit 99:1-5 Ang Biblia (TLAB)

1. Ang Panginoon ay naghahari: manginig ang mga bayan. Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.

2. Ang Panginoon ay dakila sa Sion; at siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.

3. Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan: siya'y banal.

4. Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan; ikaw ay nagtatatag ng karampatan, ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.

5. Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa harap ng kaniyang tungtungan; siya'y banal.

Mga Awit 99