Mga Awit 95:1-4 Ang Biblia (TLAB)

1. Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon: tayo'y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan.

2. Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.

3. Sapagka't ang Panginoon ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios,

4. Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa, ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.

Mga Awit 95