2. Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
3. Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
4. Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
5. Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana.
6. Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila.