Mga Awit 94:1-4 Ang Biblia (TLAB)

1. Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.

2. Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.

3. Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama?

4. Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.

Mga Awit 94