Mga Awit 85:9-13 Ang Biblia (TLAB)

9. Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.

10. Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.

11. Katotohanan ay bumubukal sa lupa; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.

12. Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.

13. Katuwira'y mangunguna sa kaniya; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

Mga Awit 85