Mga Awit 85:5-13 Ang Biblia (TLAB)

5. Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?

6. Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?

7. Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.

8. Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon: sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal: nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan.

9. Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.

10. Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.

11. Katotohanan ay bumubukal sa lupa; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.

12. Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.

13. Katuwira'y mangunguna sa kaniya; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

Mga Awit 85