Mga Awit 85:1-7 Ang Biblia (TLAB)

1. Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain: iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.

2. Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)

3. Iyong pinawi ang buong poot mo: iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.

4. Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.

5. Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?

6. Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?

7. Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.

Mga Awit 85