Mga Awit 77:5-8 Ang Biblia (TLAB)

5. Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon.

6. Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.

7. Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man? At hindi na baga siya lilingap pa?

8. Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako?

Mga Awit 77