Mga Awit 77:4-9 Ang Biblia (TLAB)

4. Iyong pinupuyat ang mga mata ko: ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.

5. Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon.

6. Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.

7. Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man? At hindi na baga siya lilingap pa?

8. Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako?

9. Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)

Mga Awit 77