Mga Awit 77:3-6 Ang Biblia (TLAB)

3. Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa: ako'y nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)

4. Iyong pinupuyat ang mga mata ko: ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.

5. Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon.

6. Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.

Mga Awit 77