Mga Awit 75:1-7 Ang Biblia (TLAB)

1. Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.

2. Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid.

3. Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah)

4. Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:

5. Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo.

6. Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas.

7. Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.

Mga Awit 75