Mga Awit 71:7-11 Ang Biblia (TLAB)

7. Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami; nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.

8. Ang bibig ko'y mapupuno ng pagpuri sa iyo, at ng iyong karangalan buong araw.

9. Huwag mo akong itakuwil sa katandaan; huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.

10. Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin: at silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian,

11. Na nangagsasabi, pinabayaan siya ng Dios: iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas.

Mga Awit 71