Mga Awit 71:1-8 Ang Biblia (TLAB)

1. Sa iyo Oh Panginoon, nanganganlong ako: huwag akong mapahiya kailan man.

2. Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,

3. Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi: ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako; sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta.

4. Sagipin mo ako, Oh aking Dios, sa kamay ng masama, sa kamay ng liko at mabagsik na tao.

5. Sapagka't ikaw ay aking pagasa, Oh Panginoong Dios: ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.

6. Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata: ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina: ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.

7. Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami; nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.

8. Ang bibig ko'y mapupuno ng pagpuri sa iyo, at ng iyong karangalan buong araw.

Mga Awit 71